Wednesday, July 18, 2012

Babae noon, Babae ngayon

DISCLAIMER: Ang inyong mababasa ay pawang opinyon lamang ng nagsulat. Huwag masyadong personalin. Bukas ang comment box para sa inyong opinyon. Maraming salamat po!

[This post was edited last 10/03/2013]

Maraming nagsasabi na "iba na ang kababaihan sa panahon ngayon". Oo siguro nga, kasi nuong unang panahon iba ang tingin ng lipunan sa mga kababaihan. Halos "walang Karapatan" ang mga babae nuon. Tanging mga lalake lang ang nakapagaaral. Lalake lang ang naghahanap-buhay. Lalake lang halos ang nakikinabang sa mga luho ng lipunan.

Yun ang alam ng lahat. Pero sa Pilipinas, masabi ko lang, mataas ang tingin natin sa mga babae nuong unang panahon pa. Ginagalang ang mga kababaihan. Ang hirap kaya manligaw nuon. Buti na lang at hindi ako pinanganak sa mga panahong halos sambahin ng mga lalake ang babaeng kanilang liniligawan. Kwento pa nga samin ng propesor ko, nuong unang panahon daw ay hindi mo patatapakin sa basa ang isang babae. Kung isa ka daw tunay na lalake ay huhubarin mo ang iyong kasuotan at ipapantakip sa basang daanan. Aba teka lang .. sinong sira ulo naman gagawa ngayon nun?

Sabi din nila, wala daw boses ang mga kababaihan nuon. Hindi daw makapagreklamo ang mga babae nuon. Hindi daw nila maisapubliko ang kanilang mga hinaing. PERO NUON YUN.

Kasi ngayon, meron na tayong tinatamasang "Equal Rights". Ito ay ang pantay-pantay na pagtrato, mapalalake man o babae. Oo pantay daw. Sabi nila. Kaya nga maraming mga babae ngayon na minamaltrato daw ng lalake. May mga babaeng nakakaranas ng diskreminasyon mula sa mga lalake. May mga babaeng minamata ng mga lalake. May mga babaeng hindi irinerespeto. Puro babae lang ba ang nakakaranas ng ganyan? Feeling ko hindi naman. Sila lang yung mahilig magreklamo. May mga lalake din namang nakakaranas ng diskreminasyon, pangmamata, hindi nirerespeto, at minamaltrato. Pero hindi naman ako nakakarinig ng mga reklamo mula sa mga lalake.

Ang mga babae nuon; mahinhin, tahimik, at hindi mareklamo. Ang mga babae ngayon; sobrang tapang, sobrang masalita, at sobrang mareklamo. Hindi naman siguro masama yun, wag lang sosobra. Equal rights nga diba? Masyado kasing napagtutuunan ng pansin ang karapatan ng mga kababaihan. Aba'y may karapatin din naman kaming mga lalake.



PEACE!

3 comments:

  1. kuya thankyou pang homework ko to haha kaya lang medyo na offend ako :/ gusto naman namin pantay pantay ehh. baka yung mga iba lang.. may mga karapatan din naman kam ngayon kasi unfair. ayun lang. kbye thankss:))

    ReplyDelete
  2. wow. thank you kuya dito. :) godbless you.

    ReplyDelete